Pokwang, Vhong, Yeng at Paulo, makikiisa sa Independence Day celebrations sa Middle East!

Ngayong Hunyo, lilibutin ng The Filipino Channel (TFC) Middle East at Kapamilya stars ang iba’t-ibang panig ng Gitnang Silangan para sa taunang selebrasyon ng Independence Day. Bibigyang kulay ng TFC ang selebrasyon sa Kuwait, Dubai, Oman at Lebanon sa TFC Kapamilya Kalayaan Karavan 2013 kung saan tatlong K ang aabangan ng mga kabayan –kasiyahan, kantahan at Kapamilya fun.


Kasiyahang may sayawan ang hatid nina Vhong Navarro at Pokwang sa June 7 sa Musika at Tawanan 2 sa Al Arabi Basketball Stadium, Mansouriya, Kuwait. Sa pakikipagisa ng TFC sa Alliance of Filipino Organizations in Kuwait (ALLFIL-OK), magsasanib puwersa ang dalawa sa pinakamalaking pangalan sa larangan ng komedya. Sina Vhong at Pokwang ay dalawa sa pinakakilalalang artista ngayon na matagumpay na napaghalo ang galing sa iba’t-ibang talento.


Kantahan naman ang hatid ng Kapamilya hottie na si Paulo Avelino at Pinoy Dream Academy Grand Winner na si Yeng Constantino sa June 14 para sa mga kabayan sa 115th Celebration of Philippine Independence sa Al Nasr Leisureland, Dubai, kasama ang mga miyembro ng organizer na Filipino Community in Dubai and Northern Emirates (FILCOM D-NE).


Sa June 15, tutungo naman si Paulo sa Independence Day celebration ng Filipino Community Social Club (FILCOSOC) sa Hotel Muscat Holiday, Oman. Hatid ni Paulo, na nakilala sa teleseryeng Walang Hanggan, ang awitan na may halong kakikiligan.


Walang humpay na Kapamilya fun naman ang mae-experience sa June 16, kasama si Paulo at mga miyembro ng Filipino Workers’ Association in Meton (FILWAM) na siyang bumuo ng pagtitipon sa Lebanon. Haharanahin ni Paulo ang Ms. Earth FILWAM candidates sa Independence Day Celebration dito.


Sa TFC Kapamilya Kalayaan Karavan 2013 ilulunsad din ang bagong serbisyo, bagong promo at iba pang mga pakaabangan ng mga Filipino sa Gitnang Silangan mula sa nangungunang Filipino network.


Ang taunang Independence Day celebrations ay binubuo ng TFC at Filipino community organizations sa Middle East para alalahanin ang ating kuwento ng kalayaan. Sa mga lumipas na taon, hindi lang pag-alala kung hindi pagbunyi na ring maituturing ang mga selebrasyon sa kalayaang patuloy nating tinatamo.


Ang Independence Day celebrations ngayong taon ay handog ng TFC sa pakikipagtulungan ng ALLFIL-OK sa Kuwait na pinamumunuan ni Celerino Umandap; ng FILCOM D-NE sa Dubai na pinangungunahan ni Matilyn Bagunu; ng FILCOSOC sa Oman sa pamumuno ni Janette Daang; at ng Filipino Workers’ Association in Meton (FILWAM), Lebanon sa ilalim ni Celso delos Santos.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa Filipino community groups na ito o bumisita sa www.facebook.com/TFCMiddleEast

  • Issue by:ABS-CBN Middle East, FZ LCC
  • Web:http://
  • Country/region:United Arab Emirates
  • Telephone:971 4 3908021
  • About Viv-Media|Free Add URL|Submit Press Release|Submit How To|SiteMap|Advertise with Us|Help|Contact Viv-Media |China Viv-Media
  • Copyright© 2010-2020 viv-media.com Corporation.
    Use of this web constitutes acceptance of Terms of Service and Privacy Policy. All rights reserved.  Poetry Online :Ancient Chinese Poetry