Level up ang longest-running at award-winning na “ASAP 20” dahil magsasama ang world-class Filipino at British acts para sa selebrasyon ng ‘galing ng Filipino’ sa telecast ng second part ng “ASAP 20 Live in London” na mapapanood sa The Filipino Channel (TFC) sa buong mundo ngayong linggo, September 20.
Tatapak sa “ASAP 20” stage sa kauna-unahang pagkakataon ang English new wave band na Spandau Ballet at magbabalik naman ang British vocal group na Blake para sa isa na namang OPM medley kasama sina Yeng Constantino at Angeline Quinto.
Bibigyang pugay din ang ‘galing ng Filipino’ sa pagtatanghal ng Pinoy cast ng 2015 revival ng “Miss Saigon.”
Hindi naman magpapahuli ang “ASAP” Kapamilyas dahil bibirit din ng sikat na classics mula sa West End sina Martin Nievera, Lani Misalucha, Jed Madela, at Gary Valenciano.
Isang all-out Pinoy Pride musical number naman ang handog nina Bamboo, Yeng, KZ Tandingan, Richard Poon, and Aiza Seguerra.
Mula sa all-out vocal showdown, isang all-out dance battle naman ang magaganap sa pagitan ng dance royalties na sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, Enrique Gil, Enchong Dee, Rayver Cruz, John Prats, at KC Concepcion pati na rin sa pagitan ng Supahdance favorites na sina Janella Salvador, Sam Milby, Jake Cuenca, at Arci Munoz.
Tuloy ang saya at sorpresa kasama naman sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, at
Coco Martin at Maja Salvador na maghahatid ng kilig na hindi dapat palampasin.
Kuwela naman ang handog ng most sought-after loveteams na LizQuen at JaDine na sasamahan sina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa isa na namang laughtrip na Karaokey segment.
Mahigit 10,000 katao ang dumalo sa “ASAP 20 in London” na ginanap sa The SSE Arena Wembley na siyang ikalawang pinakamalaking indoor arena sa lugar. Kahanay na ng ASAP Kapamilyas ang iba pang international artists tulad nina Elton John, Pink, Maroon Five, Beyonce, and U2, na nagtanghal at nagpuno rin ng venue ng libo-libong fans.
Huwag palalampasin ang part two ng “ASAP Live in London” ngayong Linggo (September 20) sa TFC platforms worldwide. Para sa karagdagng impormasyon, bisitahin ang http://TFC.tv orhttps://www.facebook.com/TFCEurope
Contact
ABS-CBN Europe Ltd.